Oh! Birheng nakakaakit,
Damhin mo ang aking sambit
Parang isang panaginip
Na sa akin ay sumapit
Datapwat alam ko ito
Pagkabog ng aking puso
Sa iyo ako’y nalilo
Sa aking mundoy humalo
Magising ka’t totohanin
Puso ko sayo’y umamin
Kung iyong mamarapatin
Ang aking puso’y sambitin
Ako ay naghihingalo
Sana’y gising, iyong puso
Sa makabagbag damdamin
Ako sayo’y nakabinbin
Aabutin ko maging ang buwan
Susungkitin pati kalawakan
Lahat ay kayang pagdaanan
Upang ang puso mo ay makamtan